Bayan ng Mexico, nagsagawa ng makabuluhang paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Pormal na ginunita ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Biyernes, June 12, 2026, sa pangunguna nina Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Mexico.
Isinagawa ang seremonya sa pamamagitan ng flag raising at wreath laying sa mga monumento nina General Maximino Hizon at Dr. Jose Rizal bilang taos-pusong pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyong nagbunga ng kalayaan ng bansa.
Nakiisa rin sa paggunita ang mga department heads at kawani ng lokal na pamahalaan, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, na nagbigay ng mas mataas na antas ng solemnidad sa okasyon.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng makulay na pagtatanghal ang Band 94 at ang Performing Arts ng Don Jesus Gonzales High School mula Barangay Pandacaqui, na nagdagdag sigla at diwa ng pagkakaisa sa naturang paggunita.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng kalayaan na kaakibat ang disiplina at responsibilidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na pinatutunayan ni Mayor Ruding Gonzales ang matatag na malasakit sa bayan sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, kultura, at makabayang kamalayan na nagpapakita ng isang lideratong tunay na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Mexicano.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CpfYNwFkN/







