Sa gitna ng pagbaha, sama-sama tayong kumikilos para sa kaligtasan ng bawat residente. Patuloy ang pagtutulungan ng Barangay Officials, Bantay Bayan, volunteers at mga kabarangay sa pagmo-monitor, pag-rescue at pagtulong sa mga apektado ng pagbaha.
Maraming salamat po Mayor Ruding Santos Gonzales sa mabilis na pagpapadala ng backhoe upang maalis ang mga basurang naipon sa dalawang tulay.
Maraming salamat po sa mga Volunteers na nagrerescue sa Sto. Domingo Village sa lahat ng paglalaan ng oras, lakas at serbisyo para sa ating komunidad.