Umarangkada na ngayong araw, ang bigas bente pesos kada kilo sa Mexico, Pampanga.
Ayon kay Mexico Mayor Ruding Gonzales, isa ito sa suporta ng lokal na pamahalaan sa proyekto ng national government at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maghatid ng mas murang bigas sa publiko.
Higit 1,000 katao ang nakabili ng tig-bente pesos kada kilo na bigas at ang mga pumila ay nakabili ng tig-sampung kilo.
Sa panayam kay Gonzales, handa rin umano ang lokal na pamahalaan ng Mexico na bumili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa bayan upang maibenta sa mga residente ng Mexico sa mas murang halaga at bilang suporta na rin sa programa ng pangulo.
Kasama ni Gonzales sa rollout ngyong araw sina Vice Mayor Doc. Jonathan Pangan at Konsehala Allaine Ramos.