Bilang MICAPartner niyo sa kongreso, pursigido po tayong makapaghatid ng de kalidad na serbisyo publiko sa tersera distritu
August 20, 2026
Kung kaya hindi natin pinalagpas ang pagkakataong mapalakas ang ating ugnayan sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan. Dinaluhan po natin ang isinagawang dialogue sa pagitan ng mga kinatawan at regional directors na inorganisa ng Central Luzon Bloc ng House of Representatives.
Dito ay nakipag-usap tayo sa mga regional directors ng DOH, DA, DEPED, DTI at iba pa para ipromote ang mga programang makakatulong sa pagpapaunlad ng buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan.