BIRTH CERTIFICATES, LIBRENG IPINAMAHAGI SA MGA BATANG MEXICANO
September 29, 2026
Pinangunahan ni Mayor Ruding Santos Gonzales ang pamamahagi ng birth certificates para sa mga batang Mexicano mula sa West District noong September 28 sa Mexico Mini Convention Center. Bahagi ito ng programang “Batang Mexicano, Birth Certificate Mo, Libre ang Rehistro!”
Kasama sa programa si PSDS Dr. Delapaz Waje, EdD, at ang mga punong-guro ng West District. Isinagawa ito sa pangunguna ni Municipal Civil Registrar Rosana T. Aguas, katuwang ang Philippine Statistics Authority at sa suporta ng Sangguniang Bayan ng Mexico.
Para kay Mayor Ruding, mahalagang matiyak na may birth certificate ang bawat batang Mexicano. Magagamit nila ang dokumentong ito sa pag-aaral at sa pagkuha ng iba pang serbisyo.
Susunod ang pamamahagi para sa:
• September 29, South District
• September 30, North District
Venue: Mexico Mini Convention Center
Birth certificate releasing: 10:00 AM hanggang 12:00 NN
Tumatanggap din ng National ID applications mula 9:00 AM para sa unang 100 aplikante bawat araw. Maaaring mag-apply ang mga residente sa alinman sa tatlong araw.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CT9q3xe5W/