Patuloy ngayong September 29 ang pamamahagi ng birth certificates sa mga batang Mexicano mula sa South District sa Mexico Mini Convention Center. Pinangungunahan ni Mayor Ruding Santos Gonzales ang programang “Batang Mexicano, Birth Certificate Mo, Libre ang Rehistro!”
Nagsimula ang pamamahagi kahapon, September 28, para sa West District. Bukas, September 30, turn naman ng North District.
Katuwang sa programa si Municipal Civil Registrar Rosana T. Aguas at ang Philippine Statistics Authority, sa suporta ng Sangguniang Bayan ng Mexico. Nakiisa rin sa pamamahagi para sa West District si PSDS Dr. Delapaz Waje, EdD, kasama ang mga punong-guro ng distrito.
• Birth certificate releasing: 10:00 AM hanggang 12:00 NN
• National ID application: 9:00 AM onwards, para sa unang 100 aplikante bawat araw