Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

BIRTHDAY HANDOG NI MAYOR RUDING PARA SA MGA CANCER PATIENTS

June 18, 2026

💙
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Municipal Mayor Ruding Santos Gonzales, pinili niyang gugulin ang mahalagang araw na ito sa pakikipag-ugnayan at pagbabahagi ng kaunting liwanag at pag-asa sa mga cancer patients.
📅 June 20, 2026 (Saturday)
🕣 8:30 AM (call time)
📍 Mexico Mini Convention Center
Para sa mga cancer patients na nakapagpalista sa Office of the Mayor, mangyaring dalhin ang inyong valid ID na may address sa Mexico.
Kung hindi makakapunta ang pasyente dahil sa naka-schedule na treatment o medical restriction, maaaring magpadala ng authorized representative. Kinakailangang dalhin ang mga sumusunod:
• Authorization Letter
• Photocopy of Valid ID of the Patient
• Photocopy of Valid ID of the Authorized Representative
• Photocopy of Medical Certificate o anumang patunay na ang pasyente ay may cancer
Sa gitna ng mga pagsubok, pinipili ni Mayor Ruding na ilaan ang kanyang kaarawan upang makapagbahagi ng oras, malasakit, at munting pag-asa sa mga cancer patients na kanyang pinaglilingkuran.
PAUNAWA: Ang programang ito ay personal na inisyatiba ni Mayor Ruding Gonzales at hindi gumagamit ng anumang pondo ng lokal na pamahalaan.
Maligayang Kaarawan, Mayor Ruding! Maraming salamat po sa patuloy na malasakit at tunay na serbisyong may puso para sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18q9nGT5Y9/

Skip to content