BIRTHDAY HANDOG NI MAYOR RUDING PARA SA MGA CANCER PATIENTS
BASAHIN | Sa nalalapit na ika-60 kaarawan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa darating na June 20, 2026, muli pong maghahandog ng tulong at pagmamahal ang ating alkalde para sa mga Mexicano na patuloy na lumalaban sa sakit na cancer.
Inaanyayahan po ang ating mga cancer patients mula sa Bayan ng Mexico na magpalista sa Office of the Municipal Mayor mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 6:00 PM, hanggang June 11, 2026 lamang.
Maaaring ang mismong pasyente o kanilang kapamilya ang magpalista. Sa pagpapalista, kinakailangang magdala ng Valid ID ng pasyente na may address sa Bayan ng Mexico at katunayan o medical document na nagpapatunay na ito ay may sakit na cancer.
Ngunit sa mismong kaarawan ni Mayor Ruding sa June 20, kinakailangang personal na makadalo ang pasyente sa Mexico Mini Convention Center.
Bilang bahagi ng kanyang taos-pusong malasakit, sasagutin ni Mayor Ruding ang gastusin para sa programang handog sa mga cancer patients sa kanyang kaarawan, at hindi ang anumang gastusin sa kanilang gamutan o medical treatment.
Sa espesyal na araw na ito, hangad ni Mayor Ruding na maipadama na walang Mexicano ang nag-iisa sa laban na ito, isang araw ng pag-asa, pagmamahal, at pagpupugay sa tibay ng bawat pusong patuloy na lumalaban.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click Here:https://www.facebook.com/share/p/1B5CWpyEfo/