Sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, ang Office of the Mayor ay nananatiling bukas at handang maglingkod sa lahat—walang kinakailangang padrino, at walang pinipiling mamamayan.
Ang lokal na pamahalaan ay nariyan upang maghatid ng patas, maayos, at tapat na serbisyo sa bawat isa. Ang tunay na sukatan ng isang lingkod-bayan ay hindi kung sino ang kanyang kakilala, kundi kung paano niya naipaparamdam ang malasakit at naibibigay ang nararapat na tulong sa mamamayan.
Patuloy ang adhikain ng Bayung Mexico na gawing mas bukas, mas mabilis, at mas makatao ang pamamahala dahil ang serbisyong may puso at malasakit ay para sa lahat.
#RSGCares
#BayungMexico
CLick Here:https://www.facebook.com/share/p/1Bp6vbCWoM/