Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Ruding Gonzales ang McDonald’s, sa pangunguna ng kanilang Public Affairs Manager na si Atty. Miguel Gayares

September 10, 2025

𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 | Bumisita sa tanggapan ni Mayor Ruding Gonzales ang McDonald’s, sa pangunguna ng kanilang Public Affairs Manager na si Atty. Miguel Gayares, upang pormal na imbitahan ang alkalde at si Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan sa nalalapit na pagbubukas ng McDonald’s Mexico Bayan sa darating na Setyembre 26.
Ikinagagalak ni Mayor Ruding Gonzales ang pagbubukas na ito bilang patunay ng patuloy na paglago ng ekonomiya at bilang dagdag na oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga Mexicano. Tiniyak din ng alkalde na ang Pamahalaang Bayan ng Mexico ay laging bukas sa mga mamumuhunan, basta’t ang mga ito ay sumusunod sa tama at legal na proseso.
#RSGCares
#BayungMexico

https://www.facebook.com/share/p/162SGPxYcx/

Skip to content