Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Buwan ng Wika 2024

August 31, 2024

Mayor Ruding Gonzales Pinangunahan ang Buwan ng Wika 2024 Pagdiriwang sa SM City Pampanga; Mga Bata sa Day Care Nagpakitang Gilas
Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales ang Buwan ng Wika 2024 pagdiriwang para sa mga bata sa day care na ginanap sa SM City Pampanga, SM Event Center. Sa nasabing okasyon, nagkaroon ng patimpalak sa pagtula at pag-awit na masiglang sinalihan ng mga bata mula sa iba’t ibang day care centers sa Mexico. Dumalo rin sa kaganapan sina Councilor Allan Onofre, DSWD head Sharmaine, at HRMO head Khester Torres, bilang suporta sa programa.
Ipinahayag ni Mayor Gonzales ang kanyang patuloy na pagsuporta sa komunidad ng mga day care sa Mexico. Nangako siya na pagsusumikapan ng lokal na pamahalaan na mabigyan ang bawat day care center ng laptop, at maglaan ng insentibo para sa mga day care teachers bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa paghubog ng mga kabataan.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu

Skip to content