
Buwanang programa at seremonya ng pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas
Setyembre 27, 2021– Isinagawa ang buwanang programa at seremonya ng pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa liwasan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna ng butihing Alkalde Teddy C. Tumang at ng mga myembro ng Sangguniang Bayan (SB) kasama pa ang mga empleyado ng munisipyo at mga opisyales ng istasyong PNP at BFP dito sa bayan.
Dagdag kulay sa umaga ang pagbisita ni Gng. Emily R. Reyes, Director II ng tanggapan ng Serbisyo Sibil, Pampanga at personal na bumati sa lahat ng ika-121 anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas. Iginawad din nya kay Gng. Maricar M. Lising, Administrative Officer V ng HRMO, ang pagkilala sa kanyang kontribusyong tula na pinamagatang “Duty” na nagbibigay-pugay sa mga frontliners na tumutugon sa pangangailangan ng bansa laban sa kasalukuyang pandemya. Ito ay nakapagkamit ng gantimpala bilang pinakamahusay na tula.
Nanguna naman sa paggawad ng pagkilala sa natatanging partisipasyon ng mga frontliners sina Gng. Ludet Sicat, myembro ng SB, Punong Opisyal ng HRM G. Christopher Torres at Dir. E. Reyes na tinanggap ni PLTCOL Grace Y Naparato, acting COP, bilang kumakatawan sa mga dakilang frontliners.