CAPABILITY BUILDING AT MORAL RECOVERY PROGRAM
Dumalo si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa Capability Building at Moral Recovery Program na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni MSWDO Sharmaine Pabustan-Sigua, na dinaluhan ng 250 participants mula sa iba’t ibang sektor ng bayan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga 4Ps Leaders, VAWC Officers, KALIPI, sektor ng LGBTQ+, mga Drug Surrenderers, at Children in Conflict with the Law (CICL). Bilang bahagi ng programa, namahagi ng mga food pack upang magbigay-suporta at tulong, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa kanyang mensahe, mainit na binati ni Mayor Ruding ang mga dumalo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit, at pagbibigay ng bagong pag-asa sa bawat isa. Muling pinagtibay ng alkalde ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang naglalayong paunlarin ang kakayahan, moral na pagbabagong-buhay, at kapakanan ng Mexicanos.
Ang naturang aktibidad ay patunay ng malasakit ng pamahalaang lokal sa pagtataguyod ng isang inklusibo, ligtas, at mapagkalingang komunidad para sa lahat.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1cdPYjcKSe/