Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

CIVIL WEDDING

June 24, 2026
CIVIL WEDDING | JUNE 24, 2026
Opisyal nang nagsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay ang anim na magkasintahan matapos silang pag-isahin sa kasal ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa kanyang tanggapan ngayong araw ng Miyerkules.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding na ang matatag na pagsasama ay hindi lamang nakabatay sa pagmamahal kundi higit sa lahat sa respeto at kababaang-loob sa isa’t isa, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng buhay mag-asawa.
Aniya, maaaring magbago ang maraming bagay sa paglipas ng panahon, ngunit ang respeto at mabuting pagpapahalaga sa pamilya ang isa sa pinakamahalagang maipapamana ng mag-asawa sa kanilang mga magiging anak.
Nagtapos ang seremonya sa isang makabuluhang paalala mula sa alkalde: sa mundong puno ng pagbabago, ang mga salita ng Diyos ang nananatiling gabay at sandigan ng bawat pamilya.
Skip to content