Dalawang pares ng mga nagmamahalan ang pormal na pinag-isang dibdib ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa isang seremonya na ginanap sa kanyang tanggapan ngayong Miyerkules.
Kabilang sa mga ikinasal sina Fresinido Gopez (78) at Janet Sarmiento (46), na pinatunayan na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa edad kundi sa katapatan, paggalang, at pangakong magsasama habang buhay.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Ruding ang mga bagong mag-asawa na maging matatag sa anumang pagsubok, manatiling mapagpakumbaba sa bawat tagumpay, at laging gawing gabay ang Salita ng Diyos sa kanilang pagsasama upang makabuo ng isang pamilyang puno ng pagmamahalan, kapayapaan, at pananampalataya.
Patuloy na ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, ang pagpapahalaga sa bawat mahalagang yugto ng buhay ng bawat Mexicano, mula sa pagbibigay ng serbisyong kailangan hanggang sa pagdiriwang ng mga sandaling nagsisilbing simula ng panibagong kabanata.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BnXx6SdYC/