Civil Wedding Ceremony | July 29, 2026: Celebrating a New Chapter of Love, Commitment, and Lifelong Partnership
July 31, 2026
Kahapon, tatlong magkasintahan ang opisyal na nagbukas ng panibagong yugto ng kanilang buhay matapos silang pinag-isang dibdib ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa isang seremonyang ginanap sa kanyang opisina.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor Ruding na ang tunay na paggalang ay hindi hinihingi, kundi kusang ibinibigay sa taong marunong gumalang at may mabuting pakikitungo sa kapwa. Hinikayat din niya ang mga bagong mag-asawa na manatiling mapagpakumbaba at huwag hayaang baguhin ng anumang tagumpay ang kanilang pagkatao.
Ipinaalala rin ng alkalde na sa kabila ng patuloy na pagbabago ng mundo, ang Salita ng Diyos ang nananatiling hindi nagbabago at siyang dapat maging matibay na pundasyon ng bawat tahanan upang mapanatili ang pagmamahalan, paggalang, at pagkakaisa sa pagsasama.
Mula sa “oo” hanggang sa habang-buhay, patuloy na ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pamumuno ni Mayor Ruding, ang pagpapahalaga nito sa mahahalagang sandali sa buhay ng bawat Mexicano, kasabay ng patuloy na paghahatid ng mga programang may malasakit at serbisyong tapat.