Ngayong araw, sa magkahiwalay na seremonya na ginanap sa kanyang opisina, pinag-isang dibdib ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang limang magkasintahan. Sa kanyang mensahe, nagbigay ang alkalde ng mga payong hango sa karanasan at pagpapahalaga sa buhay na tiyak na magsisilbing gabay ng mga bagong kasal sa kanilang pagsisimula bilang mag-asawa.
Binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng pamumuhay nang simple at may pagpapakumbaba, kasabay ng paalala na ang tunay na yaman ng pagsasama ay ang pag-unawa, paggalang, at katapatan sa isa’t isa. A ni Mayor Ruding, taos puso niyang hangad para sa bawat mag-asawa ay ang manatili silang magkasama, nagmamahalan at nagdadamayan, hanggang sa kanilang huling hininga.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico







Click here: https://www.facebook.com/share/p/1CtNpNAMof/