Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang clearing operations sa Barangay San Lorenzo Bridge upang alisin ang mga basurang sagabal sa daloy ng tubig.
Patuloy ang agarang pagkilos ng Lokal na Pamahalaan upang makatulong na mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbabara sa mga daluyan, lalo na sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan.