College Educational Assistance | Cluster 4 📚
October 13, 2026
Para sa mga college students ng Mexico, narito ang schedule ng submission ng applications para sa Cluster 4 ng College Educational Assistance Program.
MAHALAGANG PAALALA:
• Bukas ang programa sa lahat ng college students na residente ng Mexico, basta’t kumpleto ang mga requirements.
• Isang application lamang ang maaaring i-submit ng kada indibidwal.
• Hindi eligible ang mga SPES beneficiaries ng Municipality of Mexico para sa programang ito.
• Hanggang dalawang (2) estudyante lamang mula sa bawat pamilya ang maaaring mag-submit ng aplikasyon.
Siguraduhing kumpleto ang inyong mga requirements at makapag-submit sa itinakdang oras.
Patuloy na isinusulong nina Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, at ng buong Sangguniang Bayan ang mga programang nagbibigay ng dagdag na suporta sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Mexicanos.