Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Congrats and best wishes!

January 9, 2026

Ikinasal ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang isang magkasintahan sa isang makabuluhang seremonya na puno sa payo at inspirasyon. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng pagpapakumbaba, ang patuloy na paggalang sa isa’t isa, at ang hindi kailanman paglimot sa pagmamahal at pagpapahalaga sa mga magulang, mga haliging magsisilbing matibay na pundasyon ng kanilang buhay mag-asawa.

Sa pamamagitan ng kanyang mga salita, muling ipinamalas ni Mayor Ruding ang kanyang malasakit hindi lamang bilang lingkod-bayan, kundi bilang gabay sa pagtataguyod ng matibay at makabuluhang pamilya sa bayan ng Mexico.

#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DFabfoPa5/

Skip to content