Ngayong araw, ika-15 ng Abril, pinangunahan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang pag-iisang dibdib ng isang magkasintahan sa isang payak ngunit makabuluhang seremonya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng paggalang at kababaang-loob, hindi lamang sa loob ng tahanan kundi pati sa pakikitungo sa kapwa bilang pundasyon ng matatag at masayang pagsasama.
Ang seremonya ay naging paalala na ang isang matibay na pag-aasawa ay nakaugat sa pag-unawa, respeto, at malasakit sa isa’t isa.






CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1E7dyoHfzE/