COURTESY VISIT | Nagkaroon tayo ng bisita ngayong araw mula sa Lost Coin Ministries Foundation, Inc. (CSO). Nakasama natin sa ating opisina sina Atty. Mary Grace Canda, Program Director, Lovely Galura, Social Worker, Jeff Acojedo, Director of Operations, at si Elizabeth Winter mula sa Minnesota, USA, isang Peace Corps volunteer.
Kasama rin sa larawan sina PLT COL Pearl Joy Gollayan, Chief of Police ng Mexico, at ating MSWDO Sharmaine Sigua.
Isang magandang pagkakataon ito upang mapag-usapan ang mga programang makatutulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon.
#RSGCares
#BayungMexico


