Day of the Galleon: Tree Planting for ASEAN Solidarity
๐๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐น๐น๐ฒ๐ผ๐ป: ๐ง๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฆ๐๐๐ก ๐ฆ๐ผ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐
Isang makabuluhang araw para sa Bayan ng Mexico ang isinagawang selebrasyon ng Day of the Galleon (Tree Planting for ASEAN Solidarity) sa Barangay Suclaban, na inorganisa ng Mama Sita Foundation sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism.
Dumalo tayo upang makiisa sa layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng mga bansa sa ASEAN at isulong ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa aktibidad, nagtanim tayo ng mga punla ng atsuete, bayabas, at mga puno ng niyog bilang simbolo ng solidarity ng mga ASEAN countries na sagisag ng pagkakaisa, pag-asa, at malasakit sa kalikasan.
Kasama natin sa programa sina Congresswoman Mica Gonzales, Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan, at mga Sangguniang Bayan Members โ Atty. Angela Pangan, Engr. Tristar Sotto, Vince Balajadia, at Allaine Ramos bilang patunay ng kanilang suporta sa adbokasiyang pangkalikasan.
Dumalo rin sina Malaysian Ambassador to the Philippines Datoโ Abdul Malik Melvin Castelino at Department of Tourism Undersecretary Myra Paz Valderrosa-Abubakar, na kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa rehiyon ng ASEAN.
Lubos nating pinasasalamatan ang Mama Sita Foundation, isang malaking pride ng ating bansa dahil sa kanilang mga produktong Pilipino na kinikilala sa buong mundo. Ipinagmamalaki natin na ang Bayan ng Mexico, Pampanga ay napili bilang isa sa mga lugar na pinagdarausan ng kanilang mga makabuluhang programa.
Kasama ang Barangay Council ng Suclaban sa pangunguna ni Barangay Captain Danilo Miranda, matagumpay nating naisakatuparan ang pagtatanim, isang simpleng hakbang tungo sa mas luntian, mas nagkakaisa, at mas maunlad na kinabukasan para sa ating bayan.
Isang inspirasyon ang ganitong inisyatiba, patunay na ang pagkakaisa at malasakit sa kalikasan ay nagsisilbing tulay tungo sa mas luntian at mas matatag na kinabukasan para sa Bayung [Bagong] Mexico.
#RSGCares
#BayungMexico
Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/1CHEPTML1k/
Latest Stories











