Naging abala ngayong araw si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa kanyang opisina kung saan personal niyang tinanggap ang iba’t ibang bisita. Kabilang dito ang mga magkasintahang kanyang ikinasal sa isang seremonya at ang mga PTA Officers na nanumpa ng kanilang tungkulin sa kanyang harapan.
Patuloy ang maayos na koordinasyon at pakikipag-ugnayan ng alkalde sa iba’t ibang sektor bilang bahagi ng kanyang pang araw-araw na serbisyo sa mga Mexicano.