Dinaluhan po natin ang ginanap na pagdinig ng House Committee on Ways and Means nitong nakaraang Agosto 11 ukol sa serye ng mga panukalang batas para sa pagsasaayos ng buwis sa tobacco, vape, novel tobacco products, at alcohol.
Nakatuon ang talakayan sa pagpapalakas ng pangangasiwa sa excise tax upang tiyaking ang tamang koleksyon ay direktang makakatulong sa pondo ng pampublikong kalusugan at Universal Health Care.
Kasabay nito, tinutugunan din ang pagsugpo sa ilegal na bentahan ng sigarilyo at vape upang maprotektahan ang kaban ng bayan.
Patuloy po nating babantayan ang mga panukalang ito upang masiguro na ang bawat polisiyang maipapasa ay patas, makakalikom ng sapat na pondo para sa libreng gamot at ospital, at makabubuti sa pampublikong kalusugan at lokal na ekonomiya.
#MicaGonzales #CongMicaGonzales #Pampanga3rdDistrict #MicaPartnerKingKongreso
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1H8oaGhhoV/