Kahapon, kasama sina Congresswoman Mica Gonzales at Board Member MyMy Mercado Gonzales, namahagi tayo ng DSWD Family Food Packs sa mga apektadong pamilya sa Barangay San Pablo, Santo Domingo, Santa Maria, San Roque, Laug, Dolores Piring, San Nicolas, San Lorenzo, at San Antonio.
Para naman sa mga pamilyang hindi pa nakatanggap ng food packs mula sa national government, antabayanan po ang tulong na manggagaling sa ating Lokal na Pamahalaan ng Mexico. Nakahanda ang LGU na maghatid ng karagdagang relief assistance upang matiyak na walang pamilyang nangangailangan ang maiiwan.
Patuloy tayong kumikilos at umaalalay sa bawat pamilyang Mexicano sa panahon ng pangangailangan.