Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

DSWD FOOD PACKS, IPINAMAHAGI SA MGA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG HABAGAT

August 18, 2026
Pinangunahan ngayong araw ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Engr. Tristar Sotto, Councilor Allaine Ramos at Councilor Ar. Ariel Bonus, ang pamamahagi ng DSWD Family Food Packs sa mga Mexicanong apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Nagpasalamat si Mayor Ruding sa DSWD Field Office III, sa pangunguna ni Regional Director Venus Rebuldela, sa mabilis na pagtugon sa kanyang request para sa mga nangangailangang pamilya sa bayan.
Ayon sa alkalde, hindi sapat ang kasalukuyang tulong upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektado. Dahil dito, muli siyang humiling ng karagdagang food packs mula sa ahensya.
Binigyang-diin din ni Mayor Ruding na hindi lamang ang mga binahang lugar ang nangangailangan ng suporta. Apektado rin ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang kabuhayan ng maraming Mexicano, kabilang ang mga construction worker na hindi makapagtrabaho dahil sa masamang panahon.
Sa kabila nito, patuloy na kumikilos si Mayor Ruding upang matiyak na may agarang tugon para sa mga nangangailangan. Sa halip na hintayin ang pagdating ng tulong, mismong ang alkalde ang aktibong nakikipag-ugnayan sa mga ahensya upang makakuha ng karagdagang suporta para sa mga Mexicanong apektado ng Habagat.
Malaki rin ang naging papel ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at General Services Office (GSO) sa maayos at mabilis na pamamahagi ng mga food packs, katuwang ang iba pang kawani ng pamahalaang lokal.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa DSWD upang madagdagan pa ang tulong na maipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1FEv6Nuaei/

Skip to content