Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

DSWD SOCIAL PENSION FOR INDIGENT SENIOR CITIZENS

November 26, 2025

Pinangunahan ni Mayor Rodencio S.Gonzales, kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan, ang pamamahagi ng tig P-3000 na social pension for indigent senior citizens mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakapagpaabot ng tulong sa 1,313 benepisyaryo. Ipinagkaloob ang pension kada quarter upang makatulong sa pang araw-araw na gastusin ng ating mga nakakatanda.

Bahagi rin ng matagumpay na implementasyon ng programang ito ang Office of teh Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Mr. Fernando Vital, at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Sharmaine Pabustan-Sigua, na nagsilbing katuwang sa maayos na distribusyon ng benepisyo.

Bagama’t ang pondo ay direktang mula sa DSWD, aktibong sinisiguro ni Mayor Ruding na maayos, mabilis, at may malasakit na naihahatid ang tulong sa mga senior citizens ng Mexico. Patuloy din niyang isinusulong ang mas malawak na saklaw ng serbisyo upang mas marami pang indigent senior citizens ang makinabang sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Sa pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling prayoridad ang kapakanan ng mga nakatatanda, isang patunay ng pamahalaang may puso, malasakit, at tunay na serbisyo para sa bawat Mexicano.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17nN4hvKR8/

Skip to content