MEXICO, PAMPANGA — Dumating na ang dalawang backhoe na binili ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico at ito ay agad na isinailalim sa seremonya ng blessing na pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales. Ang blessing ay isinagawa ni Rev. Fr. Rafael Zedec M. Paras na nagbasbas din sa mga naunang heavy equipment ng munisipyo.
Kasama ni Mayor Ruding sa nasabing aktibidad sina Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan, Municipal Administrator Engr. Nestor S. Pineda, at mga department heads ng munisipyo, na muling nagpamalas ng pagkakaisa at suporta sa patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng episyente at maaasahang serbisyong publiko.
Ang dalawang backhoe ay inaasahang magsisilbing mahalagang dagdag sa mga proyektong pang-imprastruktura, disaster response, at iba pang serbisyong pangkalamidad ng bayan, bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon at pagpapaunlad ng Mexico.
Sa pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, nananatiling matatag ang layunin ng LGU Mexico na maghatid ng serbisyong tapat, mabilis, at may malasakit para sa bawat Mexicano.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1FsTdzRkC8/