Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Educational Assistance para sa 4, 228 College Students

August 3, 2024

Ngayong araw, ika-3 ng Agosto, 4,228 estudyante ang nakatanggap ng educational assistance na nagkakahalaga ng PHP 2,600, sa isang seremonyang pinamunuan ni Mayor Ruding Gonzales at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, sa Villa Aurelio Extension sa Barangay Anao, Mexico, Pampanga.
Kasama ni Mayor Ruding ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Councilor Atty. Ma. Angela Pangan at Councilor Allan Onofre, pati na rin si Municipal Administrator Dr. Jonathan Pangan.
Nanguna ang mga kawani ng Office of the Treasurer sa pamamahagi ng ayuda sa mga estudyante na kanilang natanggap na cash, katuwang ang mga kawani ng Office of the Mayor.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng edukasyon. Aniya, prayoridad ng kanyang administrasyon ang sektor na ito upang makabuo ng mas matibay at mas magandang kinabukasan para sa bayan ng Mexico. Dagdag pa niya, ang edukasyon ang susi upang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng mas maliwanag na bukas.
Nagpasalamat rin si Mayor Ruding, sa ngalan ng lokal na pamahalaan ng Mexico, kina Senior Deputy Speaker, Congressman Dong Gonzales, Board Member Mica Gonzales, at City Councilor Brenz Gonzales sa pagpapahiram ng Villa Aurelio Extension bilang venue para sa nasabing payout.
Ang proyektong educational assistance para sa mga kolehiyong estudyante ay isa sa mga prayoridad na proyekto ni Mayor Ruding at suportado ito ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang orihinal na halagang PHP 2,585 na dapat matanggap ng mga estudyante ay binuo ni Mayor Ruding upang maging PHP 2,600.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu

Skip to content