Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

EMERGENCY MEETING, IPINATAWAG NI MAYOR RUDING PARA SA KARAGDAGANG TULONG SA MGA MEXICANONG HINDI PA NAAABUTAN NG DSWD FOOD PACKS

August 20, 2026

Isang emergency meeting ang ipinatawag ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at department at section heads upang talakayin ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang Mexicanos na hindi kasama sa mga nakatatanggap ng DSWD Family Food Packs.

Bilang tugon, pinag-usapan ang paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan para sa karagdagang relief assistance, kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity sa buong lalawigan ng Pampanga.

Dumalo sina Councilor Ludet Sicat, Councilor Allaine Ramos, Councilor Jaypee Gozun at Councilor Engr. Tristar Sotto, kasama ang mga department at section heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Engr. Nestor S. Pineda.

Patuloy na inihahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang kinakailangang hakbang upang maabot ang mga pamilyang hindi pa nabibigyan ng food packs at matiyak na walang maiiwang nangangailangan ng tulong.

#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1D2QrayK8e/

Skip to content