Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

FATHER OF BACOLOR REHABILITATION ACT

May 19, 2026

Sa loob ng maraming taon, ang kuwento ng Bacolor ay madalas inihahalintulad sa isang trahedya. Matapos ang pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991, ang bayan na dating kilala bilang “Athens ng Pampanga” ay halos mabura sa mapa. Dahil sa tindi ng lahar, ibinaon nito ang dantaon ng ating kasaysayan; pinalubog ang mga kabahayan; at napilitang lumikas ang libu-libong pamilya. Marami ang naniwala noon na baka habambuhay na lang maging isang “ghost town” ang ating mahal na bayan.
Ngunit ngayon, malayo na ang narating ng bayan ng Bacolor. Ang kuwento ng paglubog ay napalitan na ng kwento ng muling pag-ahon. Ang transpormasyong ito ay bunga ng pangarap at pagpupursige ni Engr. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., dating Senior Deputy Speaker at Kinatawan ng Ika-3 Distrito ng Pampanga. Hindi niya pinabayaang nakabaon sa limot ang kaniyang sariling bayan.
*Ang Muling Pagbangon*
Sa kanyang unang termino sa Kongreso noong 2007, binuo ni Engr. Gonzales ang isang napakahalagang batas: ang Bacolor Rehabilitation Act (Republic Act No. 9506), o mas kilala ngayon bilang “Dong Gonzales Law.”
Kahit marami ang nagduda kung makakabangon pa ang Bacolor, hindi siya tumigil sa paghahanap ng suporta para sa batas na ito. Pinagbuklod niya ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para patunayan na mahalagang mamuhunan sa galing at katatagan ng mga taga-Bacolor. Nang maaprubahan ang R.A. No. 9506, ito ang nagsilbing pundasyon para sa muling pagbangon ng bayan ng Bacolor.
*Pagbabalik ng Sigla at Kulay sa Bacolor*
Ngayon, kitang-kita ang bunga ng Bacolor Rehabilitation Act sa bawat sulok ng 21 barangays ng bayan. Hindi lang basta inayos ang mga nasira; gumawa rin ng mas moderno at mas matibay na imprastraktura na mapapakinabangan ng lahat:
•Serbisyong Publiko: Ang rehabilitasyon ng Ricardo B. Rodriguez Memorial Hospital, kasama na ang mga bagong pinatayong Executive Building, Legislative Building, at isang modernong Pamilihang Bayan.
•Pasilidad para sa Lahat: Ang mga bagong Barangay Halls, Multi-Purpose Covered Courts, at Mini Convention Center na nagsisilbing sentro ng mga pagtitipon.
•Maayos na Koneksyon: Mas pinadali ang pagbiyahe sa tulong ng malalaking proyekto tulad ng Dolores at Maliwalu Bridge, ang Cabetican Box Culvert, at ang mga tulay sa Tinajero-Talba at Talba-Mesalipit.
*Sentro ng Karunungan: Pampanga State University*
Sa loob ng 161 taon, naging saksi ang Pampanga State University sa galing ng mga taga-Bacolor. Mula sa simpleng simula, umabot na sa halos 50,000 ang mga mag-aaral nito. Sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Dong Gonzales na may-akda ng mga sumusunod na batas, naging makasaysayan ang pagbabago ng ating unibersidad:
•RA No. 9832 or An Act Converting The Don Honorio Ventura College Of Arts And Trades In The Municipality Of Bacolor, Province Of Pampanga Into A State University To Be Known As The Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU) And Appropriating Funds Therefor: Ginawang Technological State University ang DHVCAT.
•RA No. 11169 or An Act Renaming the Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU) in the Municipality of Bacolor, Province of Pampanga as the Don Honorio Ventura State University (DHVSU), and Expanding Its Curricular Offerings, Amending For The Purpose Republic Act No. 9832, Entitled ‘An Act Converting The Don Honorio Ventura College of Arts And Trades In The Municipality of Bacolor, Province Of Pampanga Into a State University To Be Known As The Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU) and Appropriating Funds Therefor’: Itinaas ang antas nito at pinangalanan bilang Don Honorio Ventura State University (DHVSU) upang mas dumami ang mga kurso at mapataas ang kalidad ng edukasyon para sa kabataan.
•RA No. 11781 or An Act Converting The Extension Campuses Of The Don Honorio Ventura State University (DHVSU) Located In The Municipalities Of Sto. Tomas, Porac, Lubao, Candaba, Apalit, Mexico, Sta. Rita, Floridablanca, Guagua, And Sasmuan, All In The Province Of Pampanga, Into Regular Campuses Of The Dhvsu, And Appropriating Funds Therefor: Ginawang regular na campus ang anim na extension campuses sa Mexico, Porac, Santo Tomas, Lubao, Candaba, at Apalit.
•RA No. 12147 or An Act Establishing A Regular Campus Of The Don Honorio Ventura State University In The City Of San Fernando, Province Of Pampanga And Appropriating Funds Therefor: Itinatag ang City of San Fernando Campus bilang regular campus para masiguro ang pondo at paglago nito.
•RA No. 12148 or An Act Strengthening The Don Honorio Ventura State University By Renaming It As The Pampanga State University, Expanding Its Curricular Offerings, And The Composition Of The Governing Board, And Appropriating Funds Therefor: Opisyal nang pinangalanan ang institusyon bilang Pampanga State University, ang sentro ng edukasyon sa ating lalawigan.
Dahil sa modernisasyong ito, sumigla rin ang ating lokal na ekonomiya. Nagkaroon ng mas maraming trabaho, lumakas ang mga negosyo, at sumigla ang kalakalan sa buong bayan. Patunay ito na naging epektibo ang pagpapatupad ng Bacolor Rehabilitation Act.
*Lahat Ay Posible*
Ayon kay Engr. Gonzales, “Hindi lang mga gusali ang ipinatayo natin—ibinalik din natin ang pag-asa ng mga tao. Bumangon ang Bacolor dahil sa pagkakaisa nating lahat. Dahil kung sama-sama tayong matatag, lahat ay possible.
Sa kasalukuyan, ang Bacolor ay simbolo ng tunay na tibay ng mga Kapampangan. Ang mga kalsadang dating lubog ng lahar, ngayon ay puno na ng buhay, komersyo, at mga pamilyang nagbalik sa kanilang tahanan. Ang “Dong Gonzales Law” ay isang patunay na kapag ang mahusay na pamumuno ay sinamahan ng nagkakaisang layunin, anomang hirap ng pagsubok ay kayang lampasan. Dahil kapag tayo ay matatag na nagkakaisa, lahat ay posible.
#DongGonzales

DCIM100MEDIADJI_0585.JPG
DCIM100MEDIADJI_0569.JPG
DCIM100MEDIADJI_0579.JPG

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18i7vXq6ZQ/

Skip to content