Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

FIRST FLAG CEREMONY OF 2026

January 5, 2026

Nanguna si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa unang flag ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa taong 2026, hudyat ng panibagong simula at sama-samang pagtahak sa mga layunin ng pamahalaang bayan.

Kasama ng alkalde sa seremonya sina Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Councilor Allaine Ramos, Councilor Vince Balajadia, Councilor Engr. Tristar Sotto, at Councilor Arch. Ariel Bonus, upang pamunuan at makiisa sa mga kawani ng munisipyo.

Sa kanyang mensahe, binati ni Mayor Ruding ng isang masigla at makabuluhang Masayang Bagong Taon ang lahat ng empleyado, at ibinahagi ang kanyang hangarin na ang taong ito ay mapuno ng kapayapaan, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Mexicano.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1C47SeWK22/

Skip to content