FLOOD MITIGATION | πΏπ
FLOOD MITIGATION | πΏπ
π Barangay Nueva Victoria
Bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales na palakasin ang flood mitigation at disaster preparedness ng bayan, isinagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig sa Barangay Nueva Victoria upang matiyak ang maayos na pagdaloy ng tubig lalo na sa nalalapit na tag-ulan.
Sa tulong ng heavy equipment ng lokal na pamahalaan, inalis ang mga naipong basura, lupa, putik, at iba pang sagabal na maaaring magdulot ng pagbabara at pagbaha sa komunidad. Layunin ng programang ito na mabawasan ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga Mexicanos.
Patunay ito ng patuloy na pagtutok ng administrasyon ni Mayor Ruding sa mga konkretong hakbang na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Mexicano. Sa pamamagitan ng maagap na pagkilos at pangmatagalang solusyon, unti-unting napapabuti ang kalagayan ng mga komunidad na madalas maapektuhan ng matinding pag-ulan.
Kasabay nito, nananawagan si Mayor Ruding sa lahat na maging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatiling malinis ng mga sapa, estero, at kanal sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at pangangalaga sa ating kapaligiran.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1PHvBaEp7Q/





