FLOOD MITIGATION
FLOOD MITIGATION
📍 Barangay San Vicente
Patuloy ang pagsasagawa ng flood mitigation efforts sa Barangay San Vicente sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales upang mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa pamamagitan ng backhoe ng lokal na pamahalaan, isinagawa ang pagtanggal sa mga nasunog na puno ng kawayan na humarang sa daluyan ng tubig. Ang mga naturang sagabal ay maaaring magdulot ng pagbabara at pag-apaw ng tubig kapag may malalakas na pag-ulan kung hindi agad maaaksyunan.
Bahagi ito ng tuloy-tuloy na programa ng administrasyon ni Mayor Ruding, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan, na tiyaking ligtas at handa ang bawat komunidad laban sa mga epekto ng kalamidad sa pamamagitan ng maagap at konkretong mga hakbang.
Patunay ito ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga Mexicano, sa paniniwalang ang maagap na pagkilos ngayon ay makatutulong upang maiwasan ang mas malalaking suliranin sa hinaharap.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Ecc7efSKK/
Latest Stories


