Magandang araw po mga Cabalen!
Sa kasalukuyan, patuloy pong nakadeploy ang mga backhoe ng Pamahalaang Bayan ng Mexico upang linisin at ayusin ang mga sumusunod na lugar:
π Dalisdis, Camuning Future Bypass Road
π Dolores Piring β old creek restoration
π Barangay Concepcion Creek
Ang inisyatibang ito ni Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ay paghahanda laban sa mga posibleng epekto ng tag-ulan, ngunit sa parehong panahon ay nagsisilbing agarang solusyon sa mga suliranin sa pagbaha, trapiko, at mahinang daloy ng tubig na direktang nakaaapekto sa mga magsasaka at residente.
Patuloy pong iikot at ide-deploy ang mga backhoe sa ibaβt ibang bahagi ng Bayan ng Mexico upang agad na makatulong kung saan man may pangangailangan.
Kasabay nito, mariin ding hinihiling ni Mayor Ruding ang pakikiisa ng bawat Mexicano sa tamang pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.
Disiplina at pagtutulungan ang susi sa mas maayos, ligtas, at maunlad na Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico












Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AXwRyeeFe/