Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

FLOOD MITIGATION PROJECT SA MEXICO, MALAPIT NANG MAKUMPLETO; LGU HANDA NA SA TAG-ULAN

June 9, 2026

Flood mitigation project sa Mexico, Pampanga, malapit na matapos bago mag-tag-ulan
MEXICO, PAMPANGA — Malapit nang makumpleto ang malawakang flood mitigation project sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, bilang maagang paghahanda sa paparating na panahon ng tag-ulan sa bansa.
Layunin ng proyektong ito na tuluyang masolusyunan ang matagal nang suliranin sa pagbaha sa iba’t ibang komunidad. Ayon sa ulat mula sa lokal na pamahalaan, puspusan na ang ginagawang pagtatrabaho ng mga tauhan upang masigurong matapos ang mga natitirang bahagi bago pa man bumuhos ang mga malalakas na ulan.
Sa kasalukuyan, iilang mga barangay na lamang ang minamadaling tapusin ng lokal na pamahalaan upang matiyak na ligtas at baha-free ang mga residente sa buong bayan ng Mexico ngayong taon.
Tiniyak din ni Mayor Ruding na nakahanda ang mga pasilidad ng lokal na pamahalaan para magsilbing evacuation centers kung sakaling magkaroon ng anumang kalamidad.
Kabilang sa mga pasilidad ang Mini Convention Center at ang Motorpool, na sapat ang kapasidad upang tumanggap at magbigay ng pansamantalang matutuluyan para sa mga kababayan nating maaaring maapektuhan.
Video / Chris Espino

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/197GcaJiWK/

Skip to content