FLOOD MITIGATION
FLOOD MITIGATION
📍 Barangay Santo Rosario
Kasabay ng pagdating ng tag-ulan, patuloy ang pagsasagawa ng flood mitigation efforts sa Barangay Santo Rosario sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sa tulong ng heavy equipment ng lokal na pamahalaan, kabilang ang backhoe at barge, isinagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng sapa upang mapanatili ang maayos na pagdaloy ng tubig at maiwasan ang pag-apaw na maaaring magdulot ng pagbaha sa barangay.
Ang gawaing ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng administrasyon ni Mayor Ruding para sa mas ligtas at mas handang bayan, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Patunay ito na hindi lamang sa panahon ng sakuna kumikilos ang pamahalaan, kundi patuloy na nagsasagawa ng mga konkretong hakbang si Mayor Ruding upang mapangalagaan ang buhay, kabuhayan, at ari-arian ng bawat Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1EPakwyrKC/
Latest Stories


