Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

FLOOD MONITORING | Personal na ininspeksyon ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang sitwasyon sa Barangay San Lorenzo Bridge

August 9, 2026
Kung saan naipon ang mga basura sa bahagi ng tulay at nakaaapekto sa maayos na pag-agos ng tubig.
Bilang agarang tugon, ipinag-utos ni Mayor Ruding ang paghahakot ng mga naipong basura gamit ang heavy equipment upang maalis ang bara at muling maging tuloy-tuloy ang daloy ng tubig.
Kasabay nito, nananawagan ang Lokal na Pamahalaan sa lahat ng Mexicano na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura. Sa panahon ng matinding pag-ulan, ang bawat basurang napupunta sa kalsada, kanal, ilog at mga daluyan ng tubig ay maaaring maging sanhi ng pagbabara at paglala ng pagbaha.
Sa ganitong panahon, kailangan ang pagtutulungan, ang pamahalaan ay kumikilos, at ang bawat mamamayan ay may pananagutan.
Mag-ingat po tayong lahat, manatiling alerto, at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat Mexicano. 🙏🌧️

Click here: https://www.facebook.com/share/v/1GiwsgeqPq/

Skip to content