FOUR-DAY WORK WEEK SA ILANG TANGGAPAN NG EHEKUTIBO, IPATUTUPAD SIMULA MARCH 9, 2026
March 6, 2026
Simula sa Lunes, March 9, ipatutupad na ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ito’y kabilang sa mga paghahanda ng pamahalaan sa inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kasunod ng umiiral na tensyon sa Middle East.