Gabay sa Botante: Paano Pumili ng Karapat-dapat na Opisyal ng Barangay
July 21, 2026
Ang Barangay ang unang takbuhan ng mamamayan sa panahon ng pangangailangan. Dito nagsisimula ang tunay na serbisyo publiko. Kaya sa darating na halalan, huwag ibatay ang iyong boto sa kasikatan, kamag-anak, kaibigan, o pansamantalang pabor. Piliin ang kandidatong tunay na maglilingkod.
Bago bumoto, itanong sa sarili ang mga sumusunod:
Tapat ba siya? Kilala ba siya sa pagiging responsable at may mabuting reputasyon sa komunidad?
Nakikita ba siyang tumutulong kahit walang eleksiyon? Marunong ba siyang makinig sa hinaing ng mga tao?
May kakayahan ba siyang magpasya nang patas, lutasin ang mga problema, at pangunahan ang barangay sa panahon ng sakuna o krisis?
Nauunawaan ba niya ang mga batas, programa, at responsibilidad ng kanyang posisyon?
Hindi sapat ang magagandang pangako. May konkretong programa ba para sa kalinisan, kapayapaan, kabuhayan, kabataan, senior citizens, at paghahanda sa kalamidad?
Handa ba siyang maglingkod sa lahat ng residente, kahit hindi siya sinuportahan sa halalan?
Ang kandidatong nagsisimula sa maling paraan ay maaaring magpatuloy sa maling pamamahala.
Tandaan
Ang boto ay hindi dapat ipinagbibili. Ang perang tinatanggap ngayon ay panandalian lamang, ngunit ang epekto ng maling pagpili ay maaaring maranasan ng buong barangay sa loob ng maraming taon.
Piliin ang lider na may:
* Integridad
* Kakayahan
* Malasakit
* Pananagutan
* Malinaw na bisyon para sa barangay
Ang bawat boto ay may halaga. Ang kinabukasan ng inyong barangay ay nakasalalay sa matalinong pagpili ng bawat botante. Bumoto nang may isip, may konsensya, at may pananagutan.
CLIICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CCRAY55zo/