Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Gabundok na basura !! San Lorenzo Bridge

August 20, 2026
Nitong nakaraang linggo, agad na ipinag-utos ni Mayor Ruding Gonzales ang clearing operations sa naipong basura sa Barangay San Lorenzo Bridge matapos ang mga pag-ulang epekto ng Habagat. Subalit makalipas lamang ang ilang araw, muli itong bumalik at higit pang dumami bunsod na rin nang wala pa ring humpay na ulan.
Patuloy na inaanod ang mga basura patungo sa ating lugar mula sa ilog na konektado sa Abacan River, na nagdudulot ng pagbabara sa daluyan ng tubig sa tulay.
Kasabay nito, patuloy pong nakaagapay ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pamumuno nina Mayor Ruding at Vice Mayor Doc Pangan kasama ang buong Sangguniang Bayan, upang matiyak ang agarang paglilinis at pagtanggal ng mga basurang patuloy na naiipon at bumabara rito.
Maraming salamat Otep Dimaun sa pagkuha ng video.
Skip to content