Ngayong araw, mainit na tinanggap ni Mayor Ruding Gonzales si Kristine April Ramos sa kanyang opisina.
Si Ms. Ramos, tubong Angeles City at kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Juan, Mexico, Pampanga, ang kinatawan ng Pampanga sa Miss Tourism Philippines 2024.
Sa darating na August 26, 2024, sa La Union, ilalaban ni Ms. Ramos ang pangalan ng buong lalawigan sa prestihiyosong patimpalak na ito.
Sa kanilang pagkikita, kasama si Municipal Administrator Dr. Jonathan Pangan, buong-puso silang nagpahayag ng suporta kay Ms. Ramos.
Ito ay patunay sa walang tigil na pagsuporta ng alkalde sa mga kabataang nagnanais magbigay karangalan sa bayan ng Mexico at sa buong lalawigan ng Pampanga.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu