Buong puso ang naging suporta ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa mga Mexicano na nagnanais maging bahagi ng Philippine National Police.
Dalawampu’t isang aplikante ang kanyang nakatakdang iendorso para sa initial interview at screening, isang patunay ng kanyang malasakit at tiwala sa kakayahan ng mga kabataang Mexicano na maglingkod at magbigay-proteksyon sa bayan.
Ang hakbang na ito ay bunga ng matatag na relasyon at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico at ng MPS Mexico sa pamumuno ni PLT COL Pearl Joy Gollayan, para sa mas ligtas, disiplinado, at maunlad na bayan ng Mexico.



CLICK FOR MORE:
https://www.facebook.com/share/p/1ERfWBkziZ/