Skip to main content

“Guardian of Capampangan Heirloom Recipe”

Ika-22 ng Marso, 2022— Malugod na pinaunlakan ng tinaguriang “Guardian of Capampangan Heirloom Recipe” na si Atching Lillian L. Borromeo ang Provinvial Tourism Office (PTO) sa pangunguna ni G. Khristian Mark M. Alvarez, upang personal na masaksihan ang pagluluto ng mga sinaunang lutuing nagmula sa bayan ng Mexico.
Sinamahan ng Mexico Tourism Office, sa pangunguna ni G. Mike G. Castañeda, ang grupo ng PTO upang ang mga ihahandang lutuin ay matagumpay na mailathala sa Provincial Coffee Table Book na “Pamangan Capampangan”. Ang ibinidang lutong Mexicano ay ang mga sumusunod:
1.Estofadong Babi
2.Paksing Damonyus
3. Quilo Kambing
4. Quisa
5. Sabo Maklak
6. Sanikulas Cookies ning Mexico
7. Talunan Manuc
8. Tejadang Kamatis
9. Tibuc-Tibuc
10.Tinolang Manuc nang Rizal
11. Tocino del Cielo
Inaasahan namang makakapamigay ng kopya ng coffee table book sa mga lokal na pamahalaan ang PTO sa unang lingo ng Abril.
Official Website of Municipality of Mexico Pampanga