HAPPENING NOW | LIBRENG SERBISYONG LEGAL, INIHATID SA BAYAN NG MEXICO
Isinasagawa ngayon ang “Karapatan at Katarungan ay Protektado: Libreng Serbisyong Legal para sa Bayan ng Mexico” sa Mexico Mini Convention Center sa Parian, na layong ilapit ang serbisyong legal at civil registration sa mga mamamayan, sa suporta ni Mayor Ruding Santos Gonzales.
Pinangungunahan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Pampanga State University School of Law, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mexico, Integrated Bar of the Philippines, Public Attorney’s Office, PSA/PhilSys, at sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Civil Registrar.
Kasalukuyang nagbibigay ng libreng legal advice, notarial services, PSA at PhilSys services, at tulong sa civil registration ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Municipal Administrator Engr. Mark Nestor Pineda, Councilor Atty. Angela Pangan, Councilor Jaypee Gozun, Councilor Architect Ariel Bonus, Municipal Civil Registrar Rosanna Aguas, at Municipal Social Development Officer Sharmaine Pabustan-Sigua bilang suporta sa patuloy na paghahatid ng serbisyong publiko.
Patuloy ang paanyaya ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na samantalahin ang libreng serbisyong ito na naglalayong protektahan ang karapatan at magbigay ng tamang gabay sa mga usaping legal at dokumentaryo.
Ang aktibidad ay magtatagal hanggang 12 noon ngayong araw.









Click here: https://www.facebook.com/share/p/18PDaSLf2B/
Latest Stories