Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

HAPPY MARRIAGE

January 6, 2026

Masayang nagbahagi ng makabuluhang payo at personal na karanasan si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa magkasintahang kanyang ikinasal ngayong araw, bilang bahagi ng kanyang malasakit hindi lamang bilang alkalde kundi bilang isang ama at huwaran sa bayan.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Ruding ang bagong mag-asawa na pahalagahan ang pamilya bilang pundasyon ng isang matibay na tahanan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang, ang patuloy na pag-uunawaan at pagrespeto sa isa’t isa, at ang pagiging mapagpakumbaba sa kabila ng anumang tagumpay na marating sa buhay mag-asawa.

Ayon kay Mayor Ruding, ang tunay na sukatan ng isang matagumpay na pagsasama ay hindi lamang nasusukat sa ginhawa ng buhay, kundi sa lalim ng pagmamahalan, pananampalataya, at kakayahang manatiling magkasama sa gitna ng mga pagsubok, mga pagpapahalagang patuloy niyang isinusulong para sa mas matibay na pamilyang Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE;

Skip to content