Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

HAPPY WORLD TEACHER’S DAY! πŸ’πŸ’™

October 2, 2025

π‡π€πππ˜ π–πŽπ‘π‹πƒ 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑’𝐒 πƒπ€π˜! πŸ’πŸ’™

Dumalo tayo ngayong araw sa masayang pagdiriwang ng World Teachers’ Day ng Mexico North District Teachers sa pangunguna ni Public Schools District Supervisor Dr. Bernadette Lerit sa Mexico Mini-Convention Center.

Lubos nating pinasalamatan ang ating mga guro sa kanilang walang sawang serbisyo at sakripisyo para sa kabataan at sa ating komunidad. Nagbahagi rin tayo ng ilang paalala at payo tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabuting huwaran at sa pagtuturo ng disiplina sa mga bata dahil tunay ngang sila ang ilaw ng ating lipunan.

Hindi lang pasasalamat ang ating hatid, kundi kaunting saya rin! Nagpaabot tayo ng papremyo para sa kanilang mga aktibidad na talaga namang nagbigay kulay at sigla sa selebrasyon.

Muli, maraming salamat po, Sir at Ma’am, sa inyong malasakit at dedikasyon. Isa kayong mahalagang haligi sa paghubog ng kinabukasan ng bayan ng Bayung Mexico.

#RSGCares
#BayungMexico

Please click link for more information: https://www.facebook.com/share/p/1BbSFHsAwb/

Skip to content