Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Higal na Warehouse ng Sigarilyo, Muling Nabisto sa Mexico

February 12, 2026

Isang illegal na warehouse ng sigarilyo ang muling natuklasan ng Joint Inspection Team ng Bayan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding Santos Gonzales.

Sa isinagawang inspeksyon, natukoy ang operasyon na walang kaukulang permit at hindi sumusunod sa mga umiiral na regulasyon ng lokal na pamahalaan.

Mahigpit ang direktiba ng pamahalaang bayan.
• Walang puwang ang illegal na operasyon sa Mexico
• Protektado ang kaligtasan ng komunidad
• Ipinatutupad ang batas nang patas at walang kinikilingan

Patuloy ang monitoring at inspeksyon sa iba pang establisimyento upang masiguro na ang bawat negosyo ay rehistrado at sumusunod sa batas.
Ang kaayusan at kaligtasan ng bawat Mexicano ang prayoridad ng inyong pamahalaan.

Sa pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, tuloy ang tapat at subok na serbisyo para sa Bayan ng Mexico.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/14Rko939YCy/

Skip to content