Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang kanyang buong kumpiyansa na ang tiwalang ipinagkaloob ng mga Mexicano ay patuloy nilang bibigyang-katwiran sa pamamagitan ng tapat at taos-pusong paglilingkod. Kasama si Vice Mayor Doc Pangan, nananatili silang nakatuon sa iisang layunin, ang paglingkuran ang bawat Mexicano nang may integridad, malasakit, at buong puso.
Para kay Mayor Ruding, ang tunay na patunay na hindi nagkamali ang mga Mexicano ay hindi matatagpuan sa mga salita, kundi sa serbisyong araw-araw na kanilang mararamdaman.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/191x83fXF5/